Lunes, Hulyo 18, 2011

Parasite


Ang taba ng prokyano ko ngayon. Balbon, pandak at mahaba ang ... amft! Nakakagigil siya, gusto kong tumanda sa piling niya. Hindi ako mag iinarte, hindi ako magrereklamo at hinding hindi ako magiging pasaway sa kanyang kagustuhan. Mahilig siyang mangalmot at gustong gusto kong iwasan dahil sa hatid nitong kuryente. Hide and seek ang drama!

Lapit ka, amuyin mo ang aking alindog at kainin mo ako. Ahihi. Bomba lang db?  Ang landi ko. Gusto ko lang namang maging masaya at masagana sa tabi mo. Handa akong iwan ang aking lungga para naman maranasan ko ang lambot ng iyong katawan. Mag paparami ako, aking mahal. Ikaw lang ang aking pag-asa upang mabuhay. Pag hindi mo ako pinagbigyan, ako'y mamamayat at tuluyan ng mamatay. - Ang ambisyosang garapata. Eeeeeks.....


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento