Biyernes, Hunyo 24, 2011

Tingin

... Bigla akong nahimatay sa gitna ng kalye ng tanghaling tapat. Ang pawis ko ay tumatagiktik paibaba sa aking dibdib. Ang init ng araw. Bigla akong tumayo at hinagilap ang aking dalang tubig sa backpack ko. Habang umiinom, napansin kong walang katao tao sa paligid.


Patuloy akong naglakad, at may biglang sumitsit sa akin.. "Pre, saan ba lakad mo?" Sabi ng lalaking nakahubad pang itaas at naka maong shorts lang. Ang pecs, abs at gluteus nakakabogli, at ako ay nagtaka. Hindi ko siya kilala. At pasimple kong sinabi, " Pauwi nako."


Sinabayan niya ako sa paglakad, binilisan ko naman at hinahabol niya ako... Sinulyapan ko sa likod at nagtama ang aming mga mata. Pakshet. Ang gwapo ng mamang ito. Unti unti siyang lumapit, at nilapat niya ang kanyang kamay sa aking tagiliran, magtatama na ang aming mga labi at sinabing "Holdap to!".


Sumigaw ako at bigla niya akong hinalikan at kinalmot... ARAY! at biglang akong napabalikwas at nagising dahil sa kalmot ng alaga kong pusa. Uhaw na pala ito at gustong kumain. Kaya pala hinahalik halikan nako Pakshet sayang ang panaginip ko. Ang sarap kasi matulong ngayong araw na ito, salamat kay Bagyong Falcon... Hahaha..

Tonkanese cat

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento