Sabado, Hunyo 18, 2011

My Darlings

It's difficult to overthrow your job because of desperate moments. My regrets are entertaining again in my brain. Why o why??? Baliw lang! hahaha..

Ang kachikahan ko dito sa amin ay isang malanding biyuda at yung childhood friend ko na bading na very loud.

Kahit saan kami napupunta, maingay kami sa bus, streets. Parang wala ng bukas sa kakatawa...

Si Abigail. Malandi ito, ang babaeng walang pahinga! Go lang ng go. Siya yung tipong makakapitan mo kung may ipapagawa kang importante, siya ang front runner sa lahat ng transaksiyon( mapa driver man, or tindera) at may binanabalak kaming business (cross fingers sana mag materialize). May anak siyang binata, 21 anyos at gwapo. Kung hindi lang niya nanay, eeksenahan ko to (joke) Hindi ako malandi.  Gusto niyang mag overnight ako sa bahay nila, magkakatabi raw kaming tatlo.. ahahahay... Ayoko, ayokong majumbag. Hahahaha

Si Virgz. Siya na! Siyang siya na ang make up srtist dito sa amin. Pwedeng ihilera kay Juan Sarte. He's loud and vibrant as always. Marami na rin siyang clients na elites, mga pang Binibini at marami pang iba. Kung up north ang biyahe, i will just text him and walang kiyeme na sasabay para lang kumain ng empanada. Sinasama na rin niya ako kung my Miss Gay sa baryo but now hindi na kasi, ayoko na magpuyat.

Kung alam ko lng mag make up.. Hay.. Eto ang gusto kong trabaho ever since but my pudra do not want me to be. Istrikto, nakakhiya daw. Eh di sana may barber shop nako.. Hahahaha.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento