Ayaw paawat ang bagyong Egay, lihis ng lihis, eh di sana nadiligan na ang garden ko... Gusto ko ng bagyo, hahaha! At para na rin saking mahal kasi farmer siya. Kelangan nila ng enough waterlou.
Yes, it' about time to go see. Apat na araw akong nagmomongha dito sa house dahil sa ulan, kaya tinext ko jowa kechi na magkita kami at magdine lang diyan sa tabi tabi. 4 years na kaming nagrarambolan sa hirap at ginhawa.
Ang layo namin sa isa't isa, La Union ako at siya naman sa Ilocos. Texting lang ang means of communication namin to set our date at least 3 times a week. Sa hilig kong magbrowse sa net, may father's day seat sale ang Zest Air (
http://www.zestair.com.ph/). Mamimili na lang ako kung saan kami pupunta somewhere down under. Magpapa book nako ng biglang siyang naging undecided na naman.
Me: Sa Cebu
BF: Cge book mo na
Me: Sa Boracay na lang kasi hindi pa tayo nakakarating doon
BF: Ayaw ko doon, hindi na summer
Me: Cge, sa Davao na lang pero pricey
BF: Ay pricey pala, wag jan
Me: Sa Puerto Princesa
BF: Ang layo
Me: Sa Cebu na lang
BF: Ay wag muna, ayoko kasi takot ako sa airplane
Me: Tampo Mode
Simpleng harutan sa text pero nakakaumay, ayoko sa mga taong undecided pero mahal ko naman siya.. ahahay.. Parang si Bagyong Egay, lihis ng lihis, hindi naman tinutumbok ang kalupaan...