Feels like a quarantine, a monk and isolated myself for 4 days. Patuloy ang ulan, ayaw tumila. Buong araw hanggang magdamag. "Nepnep"(ilocano word) pag ganitong tag ulan. Nagsawa ako sa lugaw, arroz caldo at champorado. Masarap punan ang sikmura ng maiinit na sabaw. At ng exotic food "Palaka". Hahaha, ang sarap nito parang chicken lang.
Tinext ko si mareng Abi para mag joy ride, lilibutin namin ang mga end of the road. Eto na ang nakaugalian namin pag wala kaming magawa. Ang sarap ng feeling dito sa probinsiya, ang lawak ng kalupaan para sa mga iskwater. Hahaha.
Na try kong mag rent ng haus sa Mandaluyong, parang semi iskwater at hindi ko siya matake. Isang buwan lang akechi at escapo agad...
Ang dumi...
Ang ingay...
Mga tambay na nag totong its, inuman at tsismisan...
Mga nagbabasagan ng mukha...
Pinaka CR yung tapat ng bahay...
May nakilala akechi sa apartment sa Mandaluyong, taga Visayas siya. Ang ulam sa umaga RC cola at bbq tapos gabi na lang siya susunod kakain sa tapsilogan. Lumuwas daw siya para maghanap ng trabaho... Ganito na ba talaga kahirap ang 'Pinas.. Hay..
Sinama ko rin ang ex jowa ko dito sa La Union, ang comment " Ang lawak ng kalupaan para sa iskwater" Tumawa lang akechi kasi marami talagang naghihirap...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento