Miyerkules, Hulyo 13, 2011

Sharpener


Pumunta kami sa Vigan kanina dahil may National Bookstore sila. Naalala ko tuloy noong bata ako na kulang sa lahat ng bagay lalo na sa kagamitang pang-eskwela.

LAPIS. Ayoko ng matulis na lapis. Gusto ko ng nahahasa sa kutsilyo. Eto na ang nakagisnan ko noong bata ako, dito ako natutong humasa ng lapis sa pamamagitan ng kitchen knife. Mahirap ang buhay noon.

Muntik na akong nawalan ng isang daliri dahil sa kaignorantehan pero habang tumatagal, hinahasa ang karunungan at kakayahan sa pagbalanse ng darating na pagsubok sa buhay. Hinanakit ang dinanas ko sa aking tatay dahil ayaw niyang maging bading ako at tinuring na parang estranghero sa bahay.

Pero nagpapasalamat pa rin ako dahil sa hindi sapat na pangangailangan, hindi ko sana mararanasan ang hirap na dala ng buhay at ginhawang hatid nito sa huli. Ang buhay ay parang pantasa, sa madaling paraan- gamitin mo ang mechanical sharpener pero hindi mo marahil mararanasan ang tunay na kahulugan ng buhay o yung kutsilyo na pwede mong ikasugat pero ang sarap ng pakiramdam kung pinaghirapan mo ng husto.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento