Linggo, Hulyo 17, 2011

Hold On


Walang atrasan. Walang keme. Matatag sa kalungkutan at malakas na pangangatawan. Yan ang mga katangian na nakikita ko sa pagiging marino. Propesyong hindi sumagi sa isipan ko. Hindi ko ito pinangarap.

Pero hanga ako sa mga taong ngtatrabaho sa loob ng barko. Natrauma siguro ako kasi yung lola ko, dati siyang bumibiyahe papuntang Mindanao para bisitahin ang kanyang anak. Nagkukwento pa lang siya, ako'y nalulula na sa hilo at kalungkutan. Ang araw na lumilipas sa barko ay parang duyan na walang katiyakan kung saan sisikat ang araw at lulubog ang buwan. 

Ako'y isang nars, pag nag-umpisa ang shift namin- may endorsement ng pasyente, kagamitan at mga nakaligtaang bagay. Responsibilidad naming bantayan ang pasyente at ibigay ang pangangailangan upang makalabas sila ng hospital sa madaling panahon.Sa Barko kaya?

Sa akin lang, ang isang paa nila ay nasa hukay na at kayang hilahin ang buong katawan pag nagalit ang kalikasan. Responsiblidad nilang pangalagaan ang barko at ang mga biyahero. Wala kang masisilayan kundi kadiliman ng mundo at ang maririnig mo ay paghampas ng malalaking alon. Walang kasing saya ang mararamdaman pag nakita mo na ang puerto ng isla at malapit ng umahon. Parang nars din, pag nabuhayan, naging masigla ang pasyente at napangiti mo ang mga kapamilya nila, isang malaking pasasalamat. Ito'y binubuo ang iyong pagkatao bilang isang nagmamahal sa kapwa nilalang.










Sabado, Hulyo 16, 2011

Footstep


Saan ka man paroroon, kasama mo ako palagi. Hindi kita iiwan sa gitna ng kawalan. Aalalayan kita hanggang kailanman. Tag-araw o tag-ulan, nandito lang ako para sayo. Kahit binabalewala mo lang ako, tatahimik lang ako sa likod mo. Pag galit ka sa mundo, ok lang sakin para ihampas mo. Kung may mabigat kang problema, tawagin mo lang ako at magkasama tayong luluhod para humingi ng Tulong sa Kanya. 

Pag nanawa ka na sakin, dito lang ako sa tabi. Pag pinamigay mo na ako sa iba, ako'y iiyak dahil sa panahong ito, hindi mo na ako kailangan. - Tsinelas


Biyernes, Hulyo 15, 2011

Saling Pusa


"Anak, congratulations, kahit wala ang Mama, palagi kitang sinasama sa prayers ko, nandiyan si Papa para kasama mo sa pagtatapos. Pag-uwi ko, bibilhan kita ng robot"- Mama

Ang sarap ng pakiramdam pag kasama kita kahit sandali lamang. Tatlong oras sa isang araw ay sapat na para pagsilbihan kita. Ang aking katawan ay parang along bumabaybay sa mga natitirang sandali. Tumututol ang aking isipan upang ikaw ay lubayan. - Kabit

Nasaan na ang tatay ko kaya? Wala na naman siya para mag sabit ng medalya. Bakit palagi na lang akong nag-iisa sa ganitong okasyon. Walang saysay ang sayang hatid nito bilang pinarangalan ng pinakamagaling sa klase kung walang kapamilya- Akechi

-Blast from the past-

Huwebes, Hulyo 14, 2011

Suck


Lumapat ang aking ilong sa makinis niyang batok. Inamoy ko at nilasap ang natitirang segundo ng aming pagkikita. Tumayo ang aking mga buhok sa hatid nitong bango at sarap. Ang aking mga kamay ay nangangatog na sa lambot ng kanyang balat.

Hindi ako mapakali sa pagdampi ng aking labi. Unti unti kong inilapat at ninamnam ang halimuyak na hatid nito. Bumaba ako ng bahagya dahil malikot ang kanyang mga kamay. Pababa ako sa kanyang makikinis na balikat. Dito ako tumagal at sinipsip ang kanyang madugong alindog. Hindi ako nakontento sa pagsipsip hanggang bumalikwas siya at sinapak niya ako. Whew muntik na akong tamaan ng kanyang nagngangalit na kamay - Ang Lamok...


Miyerkules, Hulyo 13, 2011

Sharpener


Pumunta kami sa Vigan kanina dahil may National Bookstore sila. Naalala ko tuloy noong bata ako na kulang sa lahat ng bagay lalo na sa kagamitang pang-eskwela.

LAPIS. Ayoko ng matulis na lapis. Gusto ko ng nahahasa sa kutsilyo. Eto na ang nakagisnan ko noong bata ako, dito ako natutong humasa ng lapis sa pamamagitan ng kitchen knife. Mahirap ang buhay noon.

Muntik na akong nawalan ng isang daliri dahil sa kaignorantehan pero habang tumatagal, hinahasa ang karunungan at kakayahan sa pagbalanse ng darating na pagsubok sa buhay. Hinanakit ang dinanas ko sa aking tatay dahil ayaw niyang maging bading ako at tinuring na parang estranghero sa bahay.

Pero nagpapasalamat pa rin ako dahil sa hindi sapat na pangangailangan, hindi ko sana mararanasan ang hirap na dala ng buhay at ginhawang hatid nito sa huli. Ang buhay ay parang pantasa, sa madaling paraan- gamitin mo ang mechanical sharpener pero hindi mo marahil mararanasan ang tunay na kahulugan ng buhay o yung kutsilyo na pwede mong ikasugat pero ang sarap ng pakiramdam kung pinaghirapan mo ng husto.

Martes, Hulyo 12, 2011

Rainbow


Ang mga taxi sa Thailand. The traffic jam is worth waiting if you are looking at these pastel cars. Nakakagaan ng buhay. Their government is thriving to change the moods of the drivers. Kung ganito din sana ang Pilipinas, ang mga taxi operators, kaso nangangalamuta na ang mga driver para lang makapag uwi ng pera sa pamilya, pagpapapintura pa kaya?
  
Ang mga taxi driver dito sa Pinas ay may kanya kanyang istorya. Nag tataxi kasi ako dati going to Cardinal Santos, galing ako Makati kaya malayo layo ang tatahakin. May mga ilocanong drivers na nakilala ko, mayayabang talaga at sasabihing may baril kasi dating driver ng Partas o private driver ni Farinas at Singson. May mga driver na dakdak lang ng dakdak, hindi nauubusan dahil sa sintemyento sa gobyerno. May mga nag ooffer din ng panandaliang aliw, sayang nga lang kasi may trabaho hahaha. May tumanda na pero napag aral naman niya yung mga anak sa prestige schools. 

Mostly, taga pakining ng AM radio. Dito ako nababagot kasi, hindi sila nauubusan ng kwento. Nakarating na ako sa hospital at nagbabayad na ako ng metro pero sige pa rin sila sa katatalak. kalokah! Kuya, paampon ka kay ating Korina o kaya kay Manong Ted!





Lunes, Hulyo 11, 2011

Pink Mafia


Anlakas lang maka Pink Five ng trykes namin dito sa lupalup ng Balaoan, La Union. It is a gay pride everyday seeing these cutesy pinkish trykes, napapalingon lahat ng motorista. Kinabog ang MMDA sa Metro. Very Vibrant Pink!

Sa lahat ng bayan ng La Union, pag tinanong mong Balaoan " killing field o mamamatay tao lang". Ayokong magtalak dahil maraming ears from the wall and eyes from the floor. Kaya ang project ni Mayor, maging pink ang trykes to change these dilemma at maging commercialized na rin ang bayan namin. Pero hanggang ngayon, it is small town but maraming nakaka angat ng buhay at shala shalang pipol.

Pag naalala ko ang kulay pink, andaming pumapasok sa isipan ko. Ang Bioman na di ko natapos noong bata akechi kasi nasira yung TV namin. Yung MMDA na pinakita sa CNN like it worsen the imagery of the Philippines, yung Barbie na hindi ko mabili bili until now kasi nahihiya akechi (hahaha), ang Pink Morgue na book kasi walang powerbooks dito (pupunta pa ako sa Manila), ang  Pink culture sa Korea, at marami pa.. ZZZzzzzzz..